Friday, October 14, 2005

la na...

la na...

baka mawala ko sya. hindi ako perfecto. kahit ang pagibig ko sa kanya, baka mawala. mahal nya ako. alam ko yun. at kung iiwanan ko sya, ako ang malalagot. hindi ko alam tuloy kung ano ang gagawin ko kasi... ayo ko rin syang saktan.

nagkamali ba ako? hindi ba na sya na talaga ang aking mahal? ewan ko ba. minsan, parang oo, minsan, parang hindi.

ang tanga ko kasi. ninakaw ko ang sarlili kong kalayaan. binigay ko lahat sa kanya. eto tuloy, ngayon na hindi ako makawala, parang gipit na gipit ako. walang hiya naman tung buhay ko...

pagibig... ano ka ba talaga?

dasal ako ng dasal. naririnig naman kaya ako ng aking minamahal na Panginoon? sana naman. ayoko talagang masaktan. at ayoko ko rin syang saktan. she's the greatest thing that has ever happened to me.

tama nga ang kanyang kapatid. hindi na pareho ang buhay namin mula nung umalis sya. sana naman, hindi sya ganun sa sarili nyang kapatid. okay lang na ako ang iwanan. kaylangan nila ang isa't isa. at ako? sana kaylangan nya rin ako.

hayy. kaylangan nanaman akong magdasal ng todo-todo. bah.

well, for what it's worth... mahal kita May. mahal na mahal kita...

No comments: